“Iyan ba ang pinagbibibili mo sa perang binibigay ko sa iyo?” Iyan ang mga pananalitang araw araw kong naririnig mula sa mama ko. Hindi ko alam kung ayaw ba niya sa hilig ko o nagagalit siya dahil magulo ang gamit ko. Ang dalawang lugar sa bahay kung saan ako naglalagi ay palaging magulo, ang kama ko at ang study table ko patung patong na mga anime magazine at mga telang hindi nakaayos ang naguudyok sa mama ko sa sabihin ang mga katagang ito.
Ang mga anime magazine at manga na ginagamit ko para mapunan ang pangangailangan ko sa imahinasyon. Madalang ang araw na hindi ko hinahawakan ang kahit isa man lang sa kanila. Kung hindi magasin, manga,plush toy o pin na may anime ang hawak ko sigurado nanonood ako ng anime sa tv o laptop na lalong nagpapagalit sa mama ko. Kapag hindi niyo ako mkikita na nanonood ng anime iisang channel lang ang mkikitang pinapanuod ko ang etc ng channel 9. Ang mga palabas ukol sa pananamit ang pinapanuod ko (hal: Project runway, top model).
Ang mga telang kahalo sa mga anime magazine naman ay nag-uugat sa panonood ko ng anime. Sa kasalukuyan ako ay nagaaral na magdisenyo ng mga accessories na nasa ilalim ng disiplina na tinatawag na Lolita. Ang Lolita ay isang kultura ng pananamit sa Japan kung saan nagpapalitpalit ito ng genre ayon sa kulay nito. Sa kasalukuyan madami na itong sub-genre: Sweet Lolita, Punk Lolita, Alice Lolita, Ero Lolita atbp. . Sa ngayon nageensanyo ako sa paggawa ng mga lasong kulay itim,pula at lila na mga kulay na sinasakop ng isa pang sub-genre ng Lolita na tinatawag na Gothic Lolita (sa oras na sinusulat ko ito kasalukuyang tinatapos ko ang unang Sweet Lolita na headpiece ko).
Tuwing nakikita ni mama ang mga ginagawa ko madalas tinatago ko at kakatago ko kapag naglilinis ay nakikita niya ito at mayroon akong sampung minutong sermon ukol dito. Galit ba siya sa kalat o sa mga Gawain ko? Sa ngayon alam ko na. Kakasabi lang niya kanikanina lang.
Ayaw lang talaga niya ng makalat. At ako sa tingin ko nararamdaman niya kung ano ang gusto ko..
Ayaw lang talaga niya ng makalat. At ako sa tingin ko nararamdaman niya kung ano ang gusto ko..