Babae ni Inang Laya
Ang awiting ito ay ang representasyon ng katotohanan sa lipunang Pilipino kung saan ang mga babae ay pinaniniwalaang mahina at walang kayang gawin bukod sa mag-aliw ng lalake at gumawa ng gawaing pambahay. Noong unang panahon bago pa dumating ang mga kastila pinaniniwalaang ang mga babae ay tinuturing na kapantay ng mga lalaki, kung saan sila ay kasama nila sa kahit anong gawain. Noong dumating ang mga kastila binago nila ang nakasanayan ng mga Pilipino at ginawang mga maria clara ang mga kadalagahan pilipina. Sa katauhan ni Gabriela Silang nabuhay ang tunay na dugo ng mga babaeng kayumanggi, matapang at walang inuurungan maipaglaban lamang ang kalayaan ng kanyang bayang sinisinta.
Sa kasalukuyan iilang mga babae na lamang ang naniniwala na sila ay mahina, kadalasan nauuwi na lamang sila na magmukhang mahina upang kumita ng pera para sa kanilang pamilya (na sa paniniwala ay dapat ang mga lalaki ang gumagawa). Mayroon na ding mga posisyon sa mga opisina na kadalasang mga babae ang kinukuha katulad ng sekretarya. Ngunit isa rin itong pagmamalabis sa kababaihan dahil kadalasan ang mga sekretarya ay naaapi at naaabuso ng mga amo.
Masasabi nating ang mensahe ng kanta ay nakakatawa sa unang tingin ngunit sa malalim na pag-iisip ito ay makakatulong para mabuksan ang puso ng hindi lamang ng mga kababaihan kundi lahat ng mga mamamayan ng Pilipinas na katulad ng ating pang-halip tayo’y pantay pantay.
http://www.youtube.com/watch?v=RaxgPtnz0L4&feature=g-vrec&context=G2c37b87RVAAAAAAAABA
http://www.youtube.com/watch?v=RaxgPtnz0L4&feature=g-vrec&context=G2c37b87RVAAAAAAAABA
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento