Biyernes, Disyembre 30, 2011

Sanhi o Bunga?

“Iyan ba ang pinagbibibili mo sa perang binibigay ko sa iyo?” Iyan ang mga pananalitang araw araw kong naririnig mula sa mama ko. Hindi ko alam kung ayaw ba niya sa hilig ko o nagagalit siya dahil magulo ang gamit ko. Ang dalawang lugar sa bahay kung saan ako naglalagi ay palaging magulo, ang kama ko at ang study table ko patung patong na mga anime magazine at mga telang hindi nakaayos ang naguudyok sa mama ko sa sabihin ang mga katagang ito.
Ang mga anime magazine at manga na ginagamit ko para mapunan ang pangangailangan ko sa imahinasyon. Madalang ang araw na hindi ko hinahawakan ang kahit isa man lang sa kanila. Kung hindi magasin, manga,plush toy o pin na may anime ang hawak ko sigurado nanonood ako ng anime sa tv o laptop na lalong nagpapagalit sa mama ko. Kapag hindi niyo ako mkikita na nanonood ng anime iisang channel lang ang mkikitang pinapanuod ko ang etc ng channel 9. Ang mga palabas ukol sa pananamit ang pinapanuod ko (hal: Project runway, top model).

Ang mga telang kahalo sa mga anime magazine naman ay nag-uugat sa panonood ko ng anime. Sa kasalukuyan ako ay nagaaral na magdisenyo ng mga accessories na nasa ilalim ng disiplina na tinatawag na Lolita. Ang Lolita ay isang kultura ng pananamit sa Japan kung saan nagpapalitpalit ito ng genre ayon sa kulay nito. Sa kasalukuyan madami na itong sub-genre: Sweet Lolita, Punk Lolita, Alice Lolita, Ero Lolita atbp. . Sa ngayon nageensanyo ako sa paggawa ng mga lasong kulay itim,pula at lila na mga kulay na sinasakop ng isa pang sub-genre ng Lolita na tinatawag na Gothic Lolita (sa oras na sinusulat ko ito kasalukuyang tinatapos ko ang unang Sweet Lolita na headpiece ko). 
Tuwing nakikita ni mama ang mga ginagawa ko madalas tinatago ko at kakatago ko kapag naglilinis ay nakikita niya ito at mayroon akong sampung minutong sermon ukol dito. Galit ba siya sa kalat o sa mga Gawain ko? Sa ngayon alam ko na. Kakasabi lang niya kanikanina lang.


Ayaw lang talaga niya ng makalat. At ako sa tingin ko nararamdaman niya kung ano ang gusto ko..


ito ang ginagawa ko kapag hindi ako nagsusulat o nanood ng tv.

Nasaan ka, Amana

Nasaan ka, Amana?
Dec.24 2011 napagisip-isipan ng mga tita ko nga Christmas eve na kami mageexchange gift.
Dec.25 2011 12:00 midnight nagpunta kami sa bahay ng tita ko.
Dec.25 2011 bandang alas dos ng madaling araw nagaya ng sine ang tito ko pagkapamigay niya ng Aguinaldo. Sigawan kami pero nagkukulitan pa kami na abutan kami ng tatlong ulo (1000php). Nalasing ang pinsan kong lalaki at nagaya nalang na magswimming kami.
Dec.25 2011 9:00 ng umaga pumunta kami sa bahay ng tita ko para makapagantayan papuntang resort.
Dec.25 2011 12:00 ng tanghali lumabas na kami papuntang resort.
Dec.25 2011 12:30 dumaan sa shortcut ang tito ko sa bocaue exit kaxo lang trapik. Ang mga tita kong mainipin ay nagdesisyong dumaan nlang kami sa mahabang daanan sa pandi bulacan.
Dec.25 2011 1:00 ng hapon nahalata kong mali ang tinatahak naming daan pero sabi ng tito ko alam niya ang lugar kaya hindi na ako umimik.
Dec.25 2011 2:00 napansin naming nakarating na kami sa bustos, nagtanong kami habuti may daan din pla papuntang Amana mula doon kaya nakampante kami.
Dec.25 2011 2:00-3:00 nagbubunyi kami tuwing makakakita kami ng mga signboard na may nakasulat na –Km to Amana resort.
Dec.25 2011 3:00 nakarating na kami sa wakas -.-‘ akala ko hindi na kami makakarating. Pagbaba naming lahat ng sasakyan tawanan kami kasi akala namin ndi na talaga kami makakarating. Nagkasisihan na kung bakit kami nwala.
Dec.25 2011 6:00 ng gabi umuwi na kami pagkatapos ng tatlong oras ng paglangoy at pagkain. Salamat at nakauwi kami. Kung hindi naming nahanap ang resort bka nasakal ko talaga ang pinsan ko.
Nagpapasalamat ako,at nasagot namin ang tanong. Nasaan ka Amana?

Babae Ni Inang Laya

Babae ni Inang Laya
          Ang awiting ito ay ang representasyon ng katotohanan sa lipunang Pilipino kung saan ang mga babae ay pinaniniwalaang mahina at walang kayang gawin bukod sa mag-aliw ng lalake at gumawa ng gawaing pambahay.  Noong unang panahon bago pa dumating ang mga kastila pinaniniwalaang ang mga babae ay tinuturing na kapantay ng mga lalaki, kung saan sila ay kasama nila sa kahit anong gawain. Noong dumating ang mga kastila binago nila ang nakasanayan ng mga Pilipino at ginawang mga maria clara ang mga kadalagahan pilipina. Sa katauhan ni Gabriela Silang nabuhay ang tunay na dugo ng mga babaeng kayumanggi, matapang at walang inuurungan maipaglaban lamang ang kalayaan ng kanyang bayang sinisinta.
          Sa kasalukuyan iilang mga babae na lamang ang naniniwala na sila ay mahina, kadalasan nauuwi na lamang sila na magmukhang mahina upang kumita ng pera para sa kanilang pamilya (na sa paniniwala ay dapat ang mga lalaki ang gumagawa). Mayroon na ding mga posisyon sa mga opisina na kadalasang mga babae ang kinukuha katulad ng sekretarya. Ngunit isa rin itong pagmamalabis sa kababaihan dahil kadalasan ang mga sekretarya ay naaapi at naaabuso ng mga amo.
Masasabi nating ang mensahe ng kanta ay nakakatawa sa unang tingin ngunit sa malalim na pag-iisip ito ay makakatulong para mabuksan ang puso ng hindi lamang ng mga kababaihan kundi lahat ng mga mamamayan ng Pilipinas na katulad ng ating pang-halip tayo’y pantay pantay.




http://www.youtube.com/watch?v=RaxgPtnz0L4&feature=g-vrec&context=G2c37b87RVAAAAAAAABA